ICEBOX CLAN

FORUM
 
HomeFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 Si Erap at si Mayor

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
john.icebox
Admin


Posts : 24
Join date : 2008-01-28
Age : 24
Location : NAVOTAS CITY

PostSubject: Si Erap at si Mayor   Mon Jan 28, 2008 5:29 am



Bilib daw
Erap - Pare, bilib ako sa bagong department store sa lugar namin.
Mayor - Bakit mo naman nasabi?
Erap - Pag di mo nagustuhan ang binili mo, ibabalik nila ang ibinayad mo.
Mayor - Wala yan pare. Yung bagong hospital sa lugar namin pag di mo
nagustuhan ang serbisyo ng doctor ibabalik nila ang sakit mo.


Pautang
Mayor - Pare, pautang nman ng isang libo, babayaran ko pagdating ng
misis ko galing America.
Erap - Sure! Teka kelan ba ang dating ng misis mo?
Mayor - Di ko pa alam. Nag-apply pa lang siya ng US immigrant visa kahapon.


Mas malaki
Erap - Bakit mas malaki ang ambulance keysa jeep?
Mayor - Kase ang jeep nakapagsasakay lang ng sampu-sampu, ang
ambulance pwedeng magsakay ng 50-50.


May girlfriend na
Erap - Pare, sa wakas nagka-girlfriend na rin ako!
Mayor - Ha, sa tanda mong yan, ngayon ka lang nagka girlfried?
Erap - Oo, sa higpit kase ng misis ko ngayon lang ako nakalusot.


Rain, rain go away
Erap - Inday bat di mo pa dinidiligan yung mga halaman natin sa labas?
Inday - Sir, umuulan po.
Erap - Sus, magkapote ka. Ang tamad mo!


Ripe for picking
Erap - Tingnan mo nga kung hinog na yung chico?
Mayor - (Umakyat sa puno at pinisil ang bunga) Oo, hinog na!
Erap - Sige bumaba ka na at susungkitin ko!


Blood test
Mayor - Hatinggabi na nagbabasa ka pa ng libro.
Erap - Sabi kase ni Doc, may blood test ako bukas.


Carnap
Mayor - Yung Pajero natin kinakarnap. Dali, habulin mo yung karnapers!
(Makaraan ang ilang saglit ay bumalik sa Rap.)
Mayor - Ano, inabutan mo ba yung karnapers?
Erap - Hindi pero wag kang mag-alala, nakuha ko yung plate number ng
Pajero na sinasakyan nila!


Inflight entertainment
Pauwi sa Pinas sakay ng 737 at katatapos lang manuod ng inflight movie:
Mayor - Pwede raw nating iuwi yung headphones na ginamit natin kanina,
sabi ng stewardess.
Erap - Aanhin natin yung headphones, wala naman tayong 737?


Shake well before drinking
Mayor - Bakit kanina ka pa talon ng talon dyan?
Erap - Nakalimutan ko kaseng i-shake yung bote ng gamot na ininum ko.


Slow writer for slow reader
Mayor - Para kanino yang isinusulat mo?
Erap - Para sa pamangkin ko.
Mayor - E, bat ang bagal mong magsulat?
Erap - Kase mabagal pa siyang magbasa.


Earthquake
Lumindol ng malakas sa Metro Manila. Nahintakutan si Mayor.
Mayor - (Sumisigaw) Katapusan na...! Katapusan na...!
Erap - Hoy, a kinse pa lang!


Hello???
Doc - O, bakit nasunog yang tenga mo?
Erap - Kase namamalantsa ako nang magring ang cell phone ko.
Aksidenteng yung plantsa ang napick-up ko.
Doc - Eh, bat nasunog pati kabilang tenga mo?
Erap - Bwisit yang si Mayor, tumawag ba naman uli!


One-foot long
Erap - Oy, bat nagkagulo sa bahay ni JV kanina?
Mayor - Kase nakahuli si JV ng one-foot long na alupihan.
Erap - Sira, meron bang alupihan na iisa ang paa?


Seksing Pinay
Mayor - Oy, pare, bat mukhang asar ka?
Erap - Kase napanaginipan ko kagabi na nasa Miss Philippines contest ako

at pinaligiran ng mga seksing Pinay.

Mayor - Anung nakakaasar dun? Swerte mo nga at mga seksi ang kasama mo.
Erap - E, kase ako ang nanalong Miss Philippines dun sa panaginip ko.


Hotdog
Mayor - Bat di mo pa kinakain yang hot dog mo?
Erap - Dogging pa sa init.
Mayor - Dogging?
Erap - Uma-aso pa!


Outnumbered
Nagpunta sa bar ang grupo para mag-inuman.
Erap - Lipat tayo sa ibang bar. Di tayo pwede rito!
Mayor - Bakit?
Erap - Nakasulat sa bar, "21 and up only." E, lilima lang tayo.


Tear
Mayor - Bat mo iniiyakan yang pakete ng corn chips?
Erap - Kase nakasulat dito "tear here."


Salty
Mayor - Bakit maalat ang tubig sa dagat?
Erap - Para hindi mapanis ang mga isda!


Trip to Japan
Erap - Hello, how long is the flight to Japan?
Operator - Just a minute sir...
Erap - Ganun ba? Mabilis naman pala!


Riches to rags
Erap - Alam mo nung may kaya pa kami, nagkakamay kami kung kumain
Mayor - Ganun?
Erap - Ngayong naghirap na, nakakutsara naman kami kung kumain.
Mayor - Ha, baliktad yata. Bat nagkaganun?
Erap - Kase, mahirap kamayin yung lugaw.


Contract worker
Erap - Dok, lagi akong nananginip na nasa Iraq daw ako sa gitna ng giyera.
Dok - Heto ang gamot, inumin mo bago ka matulog para matahimik ang isip mo.
Erap - Huwag muna Dok, malapit nang matapos ang kontrata ko dun.



Mayor - Ilang senador ang kailangan upang palitan ang sirang bombilya
sa Senado?
Erap - Tatlo. Isang senador para hawakan ang bombilya at dalawang
senador para paikutin ang hagdanan.



Erap - Akyatin mo nga kung hinog na yung atis?
Mayor - (Umakyat sa puno at pinisil ang bunga) Oo, hinog na!
Erap - Sige bumaba ka na at susungkitin ko!



Pauwi sa Pinas sakay ng 737 at katatapos lang manuod ng inflight movie:
Mayor - Pwede raw nating iuwi yung headphones na ginamit natin kanina,

sabi ng stewardess.

Erap - Aanhin natin yung headphones, wala naman tayong 737 sa bahay?



Mayor - O, binigyan daw ni GMA ng amnesia yung ilang miembro ng Magdalo.
Erap - Amnesty yun, hindi amnesia, tange!
Mayor - Amnesia nga, kase bigla nilang nakalimutan yung mga reklamo nila.
Back to top Go down
View user profile http://www.icebox-clan.ph.tc
 
Si Erap at si Mayor
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» EX MAYOR PHOTOS, as promised
» MAYOR NUTTER TO WELCOME JAMIE FOXX, CAST AND CREW OF LAW ABIDING CITIZEN TO PHILADELPHIA
» Craftmaster Traditional Livery Guide
» June 2012 Old Glory
» Design so far

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
ICEBOX CLAN :: -ICEBOX- FREE TALK :: JOKES-
Jump to: